Wednesday, June 10, 2009

inutil

Hangover ako.

Walang maalala.

Sabog.

Ganito na lang ba? Tanong nila.

HINDI. Sagot ko.

Maghintay ka lang.

Manggugulat na lang ako.

Relax lang.

Baka mastroke ka.

Wait and see?

Bahala ka.

Baka manigas ka?

Sana...


---------------------
Nagising ako ng medyo maaga sa nakasanayan ko nitong mga nakaraang araw.

"Huh? Nasan ako? Ah! Dito sa bahay. Pero bat ako nandito? Pano nangyari?" mga tanong at debate ng isip ko.

Nagising ako sa bahay, di nga lang sa sarili kong kama kundi sa sofa. Agad kong hinanap ang aking wallet at cellphone, mga bagay na una kong tsinetsek paggising ko, di ko alam kung bakit.

Tumayo ako't tumingin sa may laptop. Nandun yung phone ko, nandun din yun wallet. Nakahinga ako. Balik sa pagkakahiga, sa sofa pa din.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi. Meron naman akong naaalala, yung mga tipong umpisa pa lang. Huling alaala ko umuwi si Omec. Yun na. Di ko na maisip kung pano ako umuwi. Kung pano ko naiwan ang phone at wallet ko sa laptop. Nagtry pa pala akong maginternet sa kalasingan ko. Hanep!

"Bat jan ka natulog?" tanong ni Lola.

"Wala lang. Di na ako nakaabot sa taas eh." patay-malisya kong sagot. Di ko alam irarason ko eh.

Bad trip to ha. Nakakafrustrate. Ayoko pa naman ng ganitong state, ang walang maalala. Baka kasi may ginawa akong kabalbalan tapos di ako aware, NAKAKAHIYA!

Nangyari na kasi nuon yun. Nung kinwento sa akin, nahiya ako sa sarili ko. Bastos.

Alak nga naman. Di naman masarap pero nakakaadik. Ayoko na. Wag na muna. Nakakapangit ng image, lalo na sa pamilya.

Inutil sa paningin.

Tameme lang.

Chill. RELAX.

Wait.

Wait in vain.

Better yet...die waiting.

Wednesday, June 3, 2009

Teh-gers versus Tigers

TIGER (noun) -
  1. Salitang pinauso ni Jerel, hango sa kanyang expression na "Easy Tiger."
  2. Tao. Pwedeng gamitin sa kaibigan, patay na bata, matanda, nanay mo kapag pinapagalitan ka, kapitbahay, Jopard, sa mga may saltik sa ulo basta tao at mukhang tao.
TEH-GERS (noun din)
  1. Salitang dinerive sa TIGER
  2. Gawa-gawa ni Paulito.
  3. Synonym ng Sessionistas.
  4. Si Jomec, Paulito, Chai at ako. Featuring Hapon at Jerick.
Bakit versus? Isa na naman ba itong division? Namumuong subclan? Away? O drama lang?

Well drama lang. Sa huling linggo ng bakasyon ng karamihan,lately nahihilig sa kami sa mga laro. Taboo, CS, DOTA at kung anu-ano pa. Sa totoo lang sa Taboo lang ako kasali. At di ko pa natalo ang team ni Paulo. Di ako papayag. Dapat kasi kateam ko si Pau kasi kami naman talaga ang TEH-GERS. Pero unfair na din siguro para sa iba kung magkakasama pa kami sa iisang team. (BABAWI ako't dudurugin kita PAULITO).

Sa CounterStrike at DOTA, ganon din yata. VERSUS pa din ang labanan. Hinahayaan ko na lang sila kasi di ko naman talaga hilig ang RPG. Not my cup of tea! Girl ako bakit??

Naisip ko, madaming bagay ang di ako makarelate sa mga straight guys pero mas comportable naman ako silang kasama.

Isa akong homo pero homophobic din ako sa totoo lang. Bakit kaya ganon? Di ko maexplain.

Ang maganda sa mga lalaking ito eh binibigyan pa din nila ako ng chance na makarelate ako sa kanila. Lalo na si Paulito. Niyayaya ako kahit alam na tatanggi ako't di talaga ako comportable kapag nasa labas ako ng aking comfort zone. Ayokong magmukhang tanga sa isang bagay na ayaw ko naman talaga at wala akong hilig. Alam niya na yun sigurado ako.

Bukod nga sa Online games narito pa ang mga dapat kong idagdag sa aking makitid na knowledge pagdating sa mundo ng Straight Men/boys.
  1. Team standing ng current NBA season/playoffs (malay ko sa term). Mga Teams na nangunguna, mga players na maeksena.
  2. BASKETBALL. Obviously I don't play. Pero nanunuod ako pag naglalaro sila at ako ang CHEERLEADER kasama si CHAI (dati).
  3. Parts ng motor at pagpapatakbo (ako lang ang di marunong magdrive).
  4. Usapang Naruto at iba pang anime. (madalang lang to, kaya no worries)
  5. Usapang sex (sa babae), pagjajakol (excuse me sa term, malaki ka na! Bwiset ka!)
  6. Paglalaro ng POKER at kung anu-anong card games. Marunong ako mag tong-its, pusoy,pusoy dos, lucky 9, monkey-monkey pero di ko talaga trip kapag araw-araw. Pero gusto ko din matuto ng POKER. Para makanta ko yung POKER FACE ng may meaning na talagang nafifeel ko.
Kapag ito na ang usapan, unti-unti akong nagfefade sa harapan at namumuti ang mata, nakakakita ng kung anu-ano sa paligid, nakakaisip ng bagong topic na pwedeng makarelate ako, nagyoyosi at lalayo, kakanta ng maisipan, magpapatimpla ng kape kay Jomec, bibili ng RC, magyayayang magfood trip at pag wala ng choice, magpapaalam at UUWI.

Di ko naman sila sinisisi. Lalaki sila. May hilig. Bakla ako. May iba ding hilig. Ang mahalaga kahit may pagkakaiba, nagakakaintindihan pa din naman. Galing di ba?

Yayain ko kaya silang mag gay bar/club? Hmmm...idea lang naman.Malay mo pumayag.

Thursday, May 28, 2009

Anim na Buwan Lang Yan

Tinitigan ko yung kotse habang papalayo. Hanggang sa lumiko't nawala sa paningin ko.

Sakay ng kotseng yun ang isa sa mga pinahahalagahan kong tao ngayon, si Chai. Malamang sa mga oras na ito ay nakalapag na siya sa pupuntahan niya, sa HongKong. Mamalagi siya dun ng anim na buwan. Napakaikling panahon kung iisipin.

Ngunit kagabi sa kanyang pagpapaalam, nahirapan akong itago ang lungkot na namumuo sa loob ko.

Sadyang mahirap ang magpaalam. Mahirap umalis at mahirap din ang maiwanan. Separation anxiety, yan daw ang tawag diyan ayon sa aking napag-aralan. Meron ako nito nung bata pa man ako. Natatandaan kong nung kinder ako hanggang Grade 1 ay kailangan nasa labas lang ng classroom ang isa sa mga parents ko o kaya'y kasambahay. Ako din yung batang nagwawala at umiiyak sa unang araw ng pasukan. Di ko alam na disorder na pala un at isang klase ng psychological condition.

Ang hirap icompose ang sarili sa harap ng taong nagpapaalam lalo na't emotional na din siya pati mga kasama mo.

Nung unang beses kinaya ko pa. Iniwan kami ng kotse sa harap ng bahay nila Chai. Di ako naluha o nangilid man lang.

"Lika na! Kain tayo sa Ita's" si Pau nagyaya, plano na namin talagang magdinner dun. Pero sa tingin ko'y may iba siyang gustong mangyari.

Sakay kami ni Omec papuntang Ita's. Mukhang nagmamadali si Pau. Sabi ko na nga ba. Nakita namin ang puting taxing huminto sa gate ng Golden City. Bumaba si Chai para magpaalam sa nanay niya. Hinto naman kami sa gate at nag-abang din dun. Nakakatawa kasi para kaming mga fans na humahabol sa paborito naming artista.

Nagpaalamanan si Chai at ang kanyang ina. Lumapit sa amin pagkatapos.

"Bakit? Para 'tong mga sira." sabi ni Chai paglapit.

"Ka-...kakain lang kami"halatang pigil ang kung anumang emosyon sa pagsagot ko.

Biglang tumalikod si Chai pabalik sa taxi.

"Ay? Ganon na lang yun?" reklamo ni Pau.

Diretso lang si Chai sa loob ng taxi, paalam ulit si ina sa kanya.

Umandar na ang taxi at sa pagdaan sa amin tila slow motion siyang tumatakbo. Nakita ko si Chai, takip-takip ang mukha ng panyo at nakuha pang ikaway ang kanang kamay sa amin. Kaway din kami. Nangingilid na sa luha ang mga mata ko sa puntong yun. Nahiya ako. Nasa gate kami, madaming tao, anlalaki din naming tao ni Pau, si Omec tahimik lang, tila tulala.

"Shit! Shit!" si Pau.

"Let's go!"ako.

Sakay kami. Drive si Pau papuntang Ita's. Tahimik lahat. May mga luha pa din akong sinusupress. Ang hirap.

Dumating kami sa Ita's, order, kain, text, kain, tahimik. Halos walang nagsasalita. Tumayo na kami para umuwi. Minimal lang ang conversation, halos wala nga.

Nakarating sa Summerfield at tumambay kila Pau. Dumating din ang iba't nakitambay. Masaya naman kaso nga may tila kulang na.

Sa tingin ko matatagalan para masanay kaming ganito. Tutal magpapasukan na ang karamihan, magiging busy ng kanya-kanya. Sakto lang siguro.

Malungkot pero ganon talaga buhay. Minsan kailangan bumitaw ka ng panandalian. Wag lang sana magkalimutan.

Anim na buwan Chai. Sandali lang yun. Maghihintay ako. Maghihintay kami. Hanggang sa muli...

Tuesday, May 26, 2009

Ang PAGHUHUKOM

Masama ba akong tao? Masama ba akong kaibigan?

Siguro sa tingin ng iba. Pero di na mahalaga ang opinyon nila. Mahalaga lang sa akin yung taong nakakakilala na lubos sa akin. Kung hindi ikaw yun, pwes, tumabi-tabi ka. Dadaan ang reyna.

Madalas isinasaksak ko sa utak ko na wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Magkakaron lang ako ng pakialam kapag pinakialaman na ako. Aba'y sino ba naman ako para pakialaman pa? Nanahimik ako dito sa isang tabi. Nabubuhay sa paraang alam ko.

Overacting? Malamang. Ayoko ng pinagtitripan ako. Pikon akong tao.

Biruin mo nang lahat, wag lang ako ang gawin mong biro. Di ako nagtiyagang magcollege para lang gawing isang walang kwentang patawa.

Isa akong HUKOM dahil nag-iisip ako. Nakakaramdam at agad nag-rereact. Maaring madalas ay mali ang nagiging pasya at tingin ko sa bagay-bagay. Pero ganon naman di ba? Kanya-kanya lang talaga ng trip sa buhay? Bahala ka ng magtanggol sa mali kong iniisip. Patunayan mo at tatanggapin ko naman.

HUKOM ako hindi DIYOS. Marunong tumanggap ng pagkakamali. Marunong humingi ng paumanhin. Marunong magpatawad.

Mali na nga talaga siguro ako. Pero alam ko din may mali ang iba. May mali ka aminin mo man si hindi.

Napahiya ako't uminit ang ulo. Sa tingin mo makakapag-isip pa ako ng diretso?

Sa tingin ko hindi na.

Nilunod na ng init ng ulo't alak ang pag-iisip ko. Nalason na.

Hindi mo ako masisi kung nadamay ka, tumawa ka eh.

Sa puntong yun, kalaban na kita.

Sinabi ko nang WAG AKO. Pero di ka pa din nakinig. Yan tuloy.

Nangyari ang nangyari, wala na akong magagawa kundi humingi ng tawad sa mali ko, magpakumbaba at subukang ayusin ang gulong ginawa ng kung sino.

Wala eh, mataas pa ihi mo sa taong matangkad sayo.

Di kita susuyuin. Bahala ka sa buhay mo. Mabubuhay ako ng wala ka at wala ang atensiyon mo.

Sa tingin ko mainit pa din ang ulo ko sa puntong 'to.

Pasensya na, tao lang.

Pero may nakapagsabi sa akin na di maaring dahilan ang pagiging tao sa mga pagkakamaling nagawa mo.

Nagawa mo yun dahil pinili mo, pinili ko.

Maaring mali nga ang ikinilos ko, pero di mo ko masisisi. Kahit papano may pride pa din naman ako, anlaki nga eh.

Kaya ganon na lang muna, isa ka lang kaluluwa ngayon sa paningin ko.

Isang multo ng kahapon.

Hiling ko lang wag mo akong takutin.

Takot ako sa multo.

Maayos pa ba 'to?

Siguro. Panahon na lang ang makakapagsabi, kung alam niya ang sasabihin niya pag dumating ang oras na yun.

Di ako aasa. Alam kong walang dapat asahan.

Andami kong kaibigan. Mga taong higit pa sa kung ano ka. Kontento na ako dun.

Buhay nga naman.

Tao nga naman.

Buntong hininga na lang. Wala na akong magagawa.

Walang kwenta ang post na to. Kaya wag mo nang basahin pa. Di ko alam kung bakit ko pa sinulat 'to at ipinublish pa.

***Kadadaan lang ni Hapon at nagrereklamong sumakit daw ang likod niya sa girlfriend niya kagabi. Di daw sa kiss and tell siya pero pinagod lang daw talaga siya. Napangiti ako. Siraulo talaga si Hapon. Hapon nga talaga si Hapon. Alam mo na ang ibig kong sabihin don.

Sunday, May 24, 2009

Ang Tamang Pagsamba/The Amazing Race

Once in a blue moon lang magkayayaan ng simba ang aming munting barkadahan.Kaya kapag may nagpakafiling holyness, join ka na!

At kahapon linggo, yun nga ang ginawa namin.

Attendance lang ha at FASHION REVIEW. Narito ang mga pangalan ng mga sumama. Magdiwang kayo dahil nabawasan ng katiting ang inyong mga pagkakasala yun ay kung mavalidate nga ang pag-attend niyo as pagsamba.

  • Aa- Nice BUCKLE! Nice shoes. Haylavet!
  • Ace- Black and White Party ang theme, payat na nakaskinny jeans pa for emphasis na siya nga'y anorexic.
  • Chai-Gusto ko ang silky top na nahulaan ni Pau na F&H pala.
  • Ako-Nahulaan ni Aa na Penshoppe ang suot ko sa clue na "Denimlab" sa kaliwang boobs ko. Nakasemi-skinny jeans, slimfit yata tawag dun pero di kagaya ni Ace, di ako nagmukhang anorexic. Damn!
  • Hapon- Medyo nagworry sa kanyang outfit dahil siya lang ang natatanging naka-"puruntong" at nakatsinelas. Umuwi saglit para magpalit ng footwear. Overall, siya talaga ay isang EMO pero gwapo pa din, nag-init ako, JOKE!
  • Jerel- Hairstyle ang nagdala ng total look mo. I love the Dragonball-ish/Emoish/Koreanovela-ish hairstyle. Skinny jeans din suot pero buhok talaga ang agaw eksena.
  • Pau- Nakiuso sa striped poloshirt. Love the black and gray combi. Bottom, nakajeans pero di skinny, di ko maimagine na nakaskinny si Pau sa kung anong dahilan.
  • Jomec- Feeling ko may attempt na talbugan ang hairstyle ni Jerel, ang kanyang nakababatang kapatid. I must say, you failed. Naoutshine ka talaga ni Gokou, Jerel pala. Striped shirt din. Simple pero we know that you totally ROCK, aight?
  • Jason- Hmmmm..napalagay si Hapon dahil sa pagsuot mo ng "puruntong". Oversized ang polo shirt na double shirt ang drama. Di ko maexplain. Pusta ko, never mong maisusuot yan sa original mong simbahan. Tama ba?
Narito rin ang list of drivers and back riders at ang TEAM Name (Di kayo aware na may ganon? Ako din eh.):

TEAM MAGJOWA (new couple, nuf said)
Driver's Name: Pau
Back Rider's Name: Chichai

TEAM HOTTIE (hot si hapon,nag-iinit ako sa kanya.)
Driver's Name: Hapon
Back Rider's Name: Me

TEAM SKINNY (skinny jeans, skinny body)
Driver's Name: Ace
Back Rider's Name: Jerel

TEAM UQ7379 (si AA ang bearer ng team name. Nice butt!)
Driver's Name: Jason
Back Riders' Name: Jomec and AA

Medyo late kaming dumating sa simbahan. Nagsimula na misa pagdating namin.

"Gusto kong magHoly Water." si Pau.

"Iinumin?" isip ko.."Sige" yun ang talagang nasabi ko.

Follow the leader ang drama, sunod lahat. Tambay konti sa front door ng simbahan.

"Gusto kong makita yung nagsasalita" si Chai naman.

"Pari yata yun" isip ko. "Dun tayo sa gilid."yun ang talagang nasabi ko.

Follow the leader ulit.

Sa wakas nakita ni Chai ang nagsasalita(ang pari).

"Gusto kong umupo." di ko alam kung sino to pero isa kina Jerel, Hapon, Ace, Jason, AA o Jomec.

Tingin ako sa stairs na gusto nilang upuan. Puno na pero may konting space.

Follow the leader ulit. Lipat lahat. Si Jomec medyo seryoso sa pagsamba't medyo humiwalay. Wala na din kasing space talaga. Nagpasya akong tumabi sa kanya.

Maya-maya'y nagpalitan na ng sign of peace sa isa't isa. Umulan ng kapayapaan.

Ito ang di ko kinaya. Biglang..."PICTURE!"

Automatic na lumapit kami ni Jomec sa kanila at "CLICK!". Ayos na.Balik kami ni Jomec sa spot namin.

"Isa pa!" si Hapon naman ang kumuha at sumali si Pau. Balik kami ni Jomec sa pagpose kasama nila. Nakakahiya pero sige na lang. Ano yun? Ebidensiya na kami'y sumamba? Siguro o adik lang talaga ang karamihan sa amin sa picture. Documentation na din ng lakad naming yun. Naks!

Communion. Tinawag ako ni Ace. Medyo angat ang boses, medyo malakas, para din siguro marinig ko siya.

"Kuya Myke!" tawag niya.

Lingon ako. "Oh?" sagot ko.

"SUSUBO KA?" nakangiting-aso niyang tanong.

Natawa ako at ang mga katabi niya. Ultimong si Miss Robert, isa sa mga kagalang-galang na bading sa Taytay na nandon lang sa harapan ko'y tumingin sa akin at nagbigay ng makahulugang ngiti. Diyahe.

"Hindi." yun lang ang sinagot ko. Di ako makamove on sa tanong niyang yun.

Natapos na ang misa. May kasunduan kaming didiretso kami sa The Gate para lumaklak ng konti.

Follow the leader ulit. Same TEAM pa din.

Sa The Gate patakan na. Ansakit sa bulsa. Pero sabagay minsan-minsan lang kaya samantalahin na.

Di uminom si Ace dahil nagmemedicate pa siya, bawal din talaga. Si AA uminom. Natuwa ako dun.

Order kami ng isang barrel may libreng fish cracker. Di halatang gutom kami. Wala pang 5 minutes nag-evaporate ang fish cracker. PUFF!!

Order din kami ng pork tofu at pansit. Mayaman kami bakit?

Di ko napansin exactly kung anong name nung bar pero okay ambiance. Good music. Chill lang lahat. Enjoy din kami kahit papano. Si Hapon nag-enjoy yata ng sobra, nabitin. Umorder pa ng isang barrel pagkatapos ng pangalawang barrel. At isa pang round ng pulutan.

Busog/lasing ang karamihan. Aminin man nila o hindi. Ako tinamaan. Gutom kasing uminom.

Balik sa kanya-kanyang TEAM. Punta daw kami sa OL. Sa taas lang to' ng San Beda. Agree lahat.

Harurutan na. Sa pagkakataong ito'y nabreak ang follow the leader.

TEAM MAGJOWA was followed by TEAM HOTTIE. Tinahak namin ang papuntang tikling. Mas madali yun kaso risky dahil may outpost dun ng mga Police. Deadma sila Pau at Hapon.

On the other hand, TEAM SKINNY was followed by TEAM UQ7379. Di ko talaga alam kung sino ang sumunod kanino. Point is, dumaan sila sa Brgy. San Isidro papuntang lumang palengke. Longer ang route nila, dun kami nanggaling papuntang The Gate. Safer din sa mata ng Police dahil wala silang mata don.

Pagdating namin ni Hapon sa The Gate naman ng Golden City, nagpasya kaming hintayin yung other two teams dahil wala pa sila. Hinayaan na naming mauna yung TEAM MAGJOWA sa overlooking.

Nakakita si Hapon ng lugawan. Nagutom siya. Nagutom ako. Di kami nagkainan pero kumain kami...ng lugaw. Siyempre libre niya, lalaki siya eh.

Maya-maya nakarinig kami ng harurot ng motor. nakita naming papasok na ng Golden City ang dalawang nahuling team. Sinubukan naming tawagin sila. Mga bingi. Hinayaan na namin. Sunod na lang kami ni Hapon sa overlooking.

Habang tinatahak na namin ang papuntang San Beda, nakakita kami ni Hapon ng ilaw ng motor pabalik. Yung dalawang team. Wala daw silang nakitang Pau at Chai. Nagdecide na lang kaming mag-abang silang bumalik sa gate ng aming subdivision. Maya-maya lang dumating na din ang TEAM MAGJOWA.

Napagkasunduang gumala pa. Binangonan daw.

Follow the leader ulit. Pagdating Angono, tinahak namin ang daang di ako familiar. Dun ko nga lang napansin ang daang yun.

Malayu-layong biyahe. Pataas, pababa, paliko, diretso, may bahay, mga bakanteng lote, madilim, maliwanag, may mga tambay din kaming nadaanan.

Sa kalagitnaan ng biyahe napansin ni Pau na isa na lang ang turnilyo sa plaka ni Jason.Tagilid na nga ito. Tumigil. Inalis ang plaka. Pinahawak. Harurot ulit.

Maya-maya nung sinusundan na namin ang TEAM UQ7379, napansin ko yung plaka, nakaipit na sa may pantalon ni AA sa may bandang puwetan. Itinuro ko kay Hapon at sabay kaming napatawa. (Nice one AA!)

Hinto ulit. Bio break kami ni Hapon. Harurot ulit.

Inexpect ko na ang labas namin ay Binangonan dahil yun naman talaga ang napagkasunduang destinasyon. Maya-maya'y nakakita na ako ng mga sinage sa mga business establishments na nadadaanan namin. Antipolo ang address. Nalito ako, naconfuse. Paano nangyari yun? Di ko maexplain pero dumating na kami ng Imperial. Liko pagdating sa school ni Pau, Unciano. Tinahak na namin ang tower hills pababa ng tikling pauwi. Lito pa din ako kung pano talaga nangyari yun. Di ako makamove on hanggang ngayon. Gusto ko tuloy maghanap ng mapa. Pano nangyari yun??

Di ako napagod kasi sakay lang naman ako. Di ako ang nagdadrive. Naisip ko din na sa grupo namin, ako lang ang hindi marunong magdrive ng motor. Di ko alam kung magandang bagay yun o hindi. Pero talo yata ako dun. Madali lang naman matuto kung may time at tyaga lang. Siguro someday soon.

Pagdating namin ng Summerfield diretso kami kila Chai. Habang mabagal na tumatakbo si Jason, bumaba si AA. Nakaipit pa din ang plaka dun sa likod niya.

"Naunahan ka na ng plaka mo" kantiyaw ni AA na bumenta ng husto kay Hapon. Si Hapon, di na nakamove on. Lintek.

Tumambay pa kami ng konti kila Chai. Usap-usap sa gabing naganap. Nag-enjoy naman kaming lahat. Si Chai umiral na naman ang trip niyang pangangagat. Huling mga biktima, si Ace at si Jerel.

Unang umuwi si Jason. Maya-maya'y nakaramdam na din ako ng antok. Nagpaalam at sumunod na din ang iba.

Tinapos namin ang gabing baon ang masasayang alala mula sa mga pangyayari sa araw na ito. Sarap mabuhay pag laging ganito, kasama ang mga taong marunong magmaneho't sumakay sa biyahe ng buhay.( Lalo na kung si Hapon ang driver. )

Saturday, May 23, 2009

Guest Who?

Pagpapatuloy sa previous post....

Isa sa mga gumulat sa akin nung gabi ng birthday ni Hapon ay ang pagsulpot ng isang di inaasahang tao. Akala ko kung sino na.

"Mec, naaalala mo si..."tanong ni Pau.

Napatingin ako kung sino tinutukoy ni Pau. At nagulat nung maalala ko kung sino nga yun.

"Ah oo! Di kita nakilala. Anlaki mo na ah."medyo may pagkagulat ni Omec nung narealized niya kung sino yung taong yun.

Ang taong yun na tinutukoy nila, isang lalaki, matangkad, medyo maputi, chinito, gwapo at may infectious smile. Pangalan niya ay Abet. Di ako sigurado sa relasyon nila ni Hapon. Pinsan yata o Uncle, ewan. Medyo weird kasi yung mga Tita/Tita ni Hapon, halos kaedad niya lang. Tulad na lang ni Cacai. Madalas di ko maabsorb na Tita niya nga si Cacai dahil magkaedad nga lang sila.

Iba na itsura ni Abet ngayon. Di ko akalain talaga na siya yun. Anlaki ng pinagbago.Dati lang siyang isang batang walang muwang sa mundo. Tulad ng karamihan, dugyot at di kapansin-pansin. Di ko naman siya kinakitaan ng "future" nung mga panahong yun kaya nagulat siguro kaming lahat ng makita namin siya na ganon na, ibang-iba.

Ang alam ko may anak na siya sa murang edad. Kaya din siguro biglang nagmukhang matured dahil sa laki agad ng responsibilidad niya. Palagay ko nandon din ang asawa niya. Yung babaeng katabi niya tanging kausap, bata din. Bagay sila. Bitter ako.

----
Ang nagpabagsak talaga sa mga natirang umiinom sa gabing yun ay ang tequilang inilibas ni Hapon bilang pagtatapos ng inuman.

Natapos nga kami. Karamihan sa ami'y nawala sa sarili. Naglabas ng mga kinain.

Yung sa akin puro puti. Nabuking tuloy na andami kong nakain na pulutan, fishball at french fries. Nakakahiya.

Yan ang dahilan kung bakit wala talaga akong masyadong maalala nung gabing yun. Masama talaga pagnasosobrahan. Buti na lang di pa kami mas lumagpas sa pagkasobra baka kung may ginawa na akong pagsisisihan ko.

Teka meron nga ba?

Di ko alam. Bahala na sila kung meron man. Patawad.

Mainit na Chika. NOW NA!

Hangover to death.

Yan nakuha naming mga pumunta sa birthday party ni Hapon.

Tinotoo niya nga yung sinabi niya na lalasingin niya kami. Di ko alam na ganon siya kaseryoso.

Bumigay ako. Nagsuka. Nawalan ng alaala.

Medyo matagal nang di ko nararanasan yun kaya ayos lang. Nakakahiya nga lang kasi may naglinis pa ng isinuka ko. Diyahe. Salamat 32kb.

Hindi ko masyadong maalala ang mga pangyayari. Mangilangilan lang.

Kapiraso lang ng bawat eksena ang mga naaalala ko. Kahit anong gawin ko wala talaga akong maalala sa iba.

Nung nag-usap-usap kami nila Pau at Chai kanina, may mga ipinaalala silang akala nila'y alam ko. Umoo na lang ako't sinabi din sa kanila na "Oo nga ano? Nakalimutan ko yun."

Tulad ng pagbasag ni Pau ng itlog sa ulo ni Hapon. Request ni Cacai, tita ni Hapon, dahil ganon daw ang tradisyon ng mga taga-Arellano. Dun sila parehong nag-aaral ng kolehiyo.

Naisip ko parang walang kwenta, bat itlog? Wala bang mas madugo? Ano kaya simbolo nung itlog na binasag sa ulo?

Naalala ko din si Chai na ang trip ay para lang asong ulol, nangangagat siya sa braso. Di ko din alam kung bakit. Lahat yata'y di nakaligtas. Sa akin nga lang eh medyo kakaiba dahil nagpaalam siya. Umoo ako sa pag-aakalang kaya ko ang sakit. Kumagat siya. Nanghina ako bigla. Ganon pala pakiramdam ng kinakagat, nakakapanghina sa tuhod. Pareho ng feeling kapag nakita mo yung crush mo. Yun nga lang may kahalong sakit.

Kanina'y kanya-kanya ng pakitaan ng pasa sa braso. Wala akong pasa pero nung ipinaalala sa akin na nangagat si Chai kagabi, naintindihan ko na kung bakit may makirot na parte sa may kaliwa kong balikat.

Kagabi, pagkatapos ng videoke, nagkaroon kami ng mini press conference.

Sa kulay kasi ng table cloth nila hapon at long table pa ang set up, eh aakalain mo ngang may question and answer portion.

Gamit ang mic na tinanggalan ng kordon, nag-umpisang magbatuhan ng tanong. Nung ako ang nakahawak, naisip ko na magandang venue yun para tanungin na sila ng mga tanong na di nila masasagot ng normal sila.

"Handa na kayo sa tanong?" pasakalye ko kay Chai at Paulo. Alam kong game sila sa kahit anong tanong.

"Kahit ano ba pwedeng itanong?" paninigurado ko.

"Sige, kahit ano." matapang na sagot ni Pau.

"Talaga?" ako ulit.

"Oo, go na teh" si Chai.

"Okay...Kayo na ba ni Pau? Oo o hindi?" diretso kong tanong kay Chai.

Napangiti ang lahat. Naghihintay sa sagot nila.

"OO" sagot ni Chai.

"Ayun oh!" may nagsabi saka kami naghiyawan. (Any reaction?)

ITUTULOY...antok na ako at di ko mahanap ang susunod na episode ng Boys Over Flower sa Youtube.

Friday, May 22, 2009

Hapon ni Hapon

Selebrasyon ng araw ng kapanganakan ni Senechi mamaya.

Isa siya sa matagal ko ng kaibigan dito sa Summerfield.

Tawag namin sa kanya'y Hapon dahil half-Japanese siya.

Sabi niya isang kahon daw ng paborito naming alak ang ihahain niya sa amin mamaya.

Iniisip ko nakakalula, nakakalunod. Kaya kaya naming ubusin yun?

Sabagay, hindi naman contest mamaya. Pwedeng umayaw na kapag di na kaya. Pwedeng di ubusin at sa ibang araw na lang tirahin. Para din extended ang celebration ni Hapon.

Sa totoo lang di ko alam ang ieexpect ko mamaya. Dapat ba akong mag-expect sa mga mangyayari?

Di ko alam.

Wala si Omec, umalis. Sabi niya hahabol na lang daw siya.

Si Pau, manggagaling sa school nila o sa hospital na pinagdutihan niya.

Si Ace, isa sa pinakamalapit sa akin/amin na bata ay siguradong hindi makakapunta. Kasalukuyan siyang nakaconfine sa hospital at inoobserbahan. Hula ng mga magagaling na doctor sa 888 (tunog mall sa divisoria) ay malamang apendisitis yata. O yung sinasabi ni Pau na Amoebiasis something. Kawawang bata. Sana gumaling na siya agad at makasama naming muli kahit na presensiya niya lang. Malamang sa malamang, di ka muna pwede sa alak. (Pagaling ka ACE.)

Mga natira yung usual players at isa na ako doon.

Walang call time na sinabi. Sabi ko kay Jun baka magtext na lang si Hapon kung pwede na tayong pumunta.

Umaga pa lang kasi kanina, o tanghali, yung maingay na boses na lumalabas mula sa speaker ng karaoke ang gumising sa akin.

Agad kong tinext si Hapon.

"Hapon! Ikaw ba yung kumakanta?"

Di sumagot. Binosesan ko. Si Jhemar, pinsan niya.

Sosyal si Hapon. Whole day ang selebrasyon at may tsansa pang maextend, depende sa tolerance namin sa alak na ilalabas niya.

Biglang...

"MYKEE!"tawag ni Hapon mula sa pintuan namin.

Nagmadali akong tumayo at pagbuksan siya. Wala pa ako sa pintuan.

"Papasok na ako ha." si Hapon habang nagpupunas ng paa papasok sa bahay.

"Ano na?" tanong ni Hapon.

"Anong oras ba?"sagot kong tanong sa kanya.

"Mga 6" agad niyang sagot.

"Aga teh!" sagot ko.

"Eh mabuti na yung maumpisahan ng maaga." pagrarason niya.

"I-GM mo sila" sabi ko. (GM= Group Message)

"La akong load eh"sabi naman ni Hapon. Pacute na naman.

"Okay ako na lang mag-GGM sa kanila" agad kong alok. Kahit alam kong wala din akong load.

"Sige" si Hapon.

Yun lang at umalis na siya.

Ang aga naman ng gusto niyang umpisa. Nasanay na kasi akong ng halos hatinggabi na bago magsimula ang session.

Di ko alam talaga kung anong ieexpect mamaya. Wala si pa si Pau, wala pa si Omec.

Ah nandyan pala si Chai. Pero kailangan namin si Pau sa kung anong dahilan.

Maligayang Kaarawan Hapon!!! Alam kong malalasing mo kami. Salamat in advance.


Si Senechi aka Hapon (Always pacute)



Wednesday, May 20, 2009

Ate/Kuya

Bakit karamihan ng tao mahalagang malaman nila ang sexual preference ng isang tao? Mapa-sikat na personalidad sa showbiz, sa pulitika, tambay sa kanto, kapitbahay, o kaya'y nadaan lang.

Aaminin ko, isa ako sa mga taong yun. Kaso naisip ko wala ako sa lugar para humusga. Isa din ako sa hinuhusgahan nila.

Eh ano ngayon kung bakla si Brando? Kung tomboy si Shirley? Kung lalaki si Ramon at mahaderang hitad si Melanie?

May magbabago ba sa tao? Sa kaya niyang gawin? Sa kaya niyang patunayan at abutin sa buhay?

WALA di ba? Eh ano pa't palagi nating pinagpipyestahan ang mga nasa kloseta at ang mga taong inosenteng ayaw mabunyag ang personal na buhay nila? Yung mga taong gusto lang ng tahimik na pamumuhay.

Natural na tsismosa talaga tao, kahit anong lahi, walang pinipili.

Si Adam Lambert halimbawa. Nitong mga nakaraang buwan ay tila apoy na kumalat ang mga pictures niya sa internet nuong siya'y di pa sikat.

Si Adam ay isa sa dalawang finalist ng pinakalatest season ng American Idol. Alam kong alam niyo din yun. Sa mga di nakakaalam, kung nababasa niyo to, pwes, ngayon, alam niyo na?

Simula pa lang ng Season na ito, mula pag-audition niya, nakitaan ko na siya ng "potential".

Nung sinearch ko sa youtube ang pangalan niya, di ako nagkamali, ate nga si kuya.

Magaling siyang magperform talaga. Professional na sa entablado kaya naisip ko out of his league si Adam. Masyadong magaling, unfair.

Expected ko na siyang papasok sa finals at ayun nga.

Kanina napanood ko ang Final Showdown nila ni Kris Allen. Straight si kuya at may asawa. Pero alam kong di batayan ang pagkakaroon ng asawa sa pagiging straight ng isang tao, mapalalake o babae man.

Tingin ko naman talagang straight siya eh. (Eto na naman ako, does it really matter??)

Sa tatlong kantang pinerform nila, isang kanta lang napuri si Kris ng mga judges. Yun ay yung una niyang performance. Magaling nga siya.

Samantalang si Ate Adam halos lahat. Yung una lang na kanta niya ang medyo nalait dahil "too theatrical' daw sabi ng isa pang Ate na si Simon. Tama naman siya don.

Kanina, sa paghahanap ko ng mga gay pics ni Adam (di ko alam kung bakit ako naghahanap, malamang dahil ay gagamitin ko sa post na ito), nakita kong hati ang komento ng mga tao sa sekswalidad niya. Pero kung susumahin, madami pa din ang kumakampi sa kanya na sa tingin ko'y mabuti sa standing niya.

Ako mismo ay walang pakialam kung Ate nga ba si Kuya o Kuya nga siyang mukhang Ate lang. Ang pambato ko ay si Kris Allen. Mas gusto ko yung style niya eh. Isa pa'y meron siyang appeal na di ko maintindihan. Gwapo, yun na yun.

Malakas din ang simpatya ko sa mga underdog. Marahil ay yun din ang dahilan kung bakit kay Kris ako at di kay Adam.

Malakas ang laban ni Ate. Tingin ko nga'y siya ang mananalo bukas. Pero lihim kong hinihiling na si Kris sana ang iboto ng mga kano't kung anu-ano pang lahing nakatira sa US of A. Sana nga si Kris manalo. Sana sana...

Narito ang mga larawan ni Ate Adam na kumakalat ngayon sa malawak na mundo ng Internet.



Si Ate Adam halos makipagpalitan na ng dila sa isang di kilalang lalaki


Heto pa't ayaw paawat
(Parehong lalaki, matching hairstyle, sweet)



Eto pa ang iba kasama ang mga kaberks niyang bekky din, saya-saya

Tuesday, May 19, 2009

Wag Ganon TEH!

Nung isang gabi nabaliw si Omec.

Isa sa mga tinuturing kong pinakatotoong kaibigan si Omec. Kaya nagulat ako nung naghurimintado sya sa inuman namin.

Bumalik siya mula sa bahay nila sa inuman namin na bad trip.

Nahalata ko agad dahil sa biglaang pagbago ng mood niya. Tumahimik. Sumeryoso.

Di siya talaga ganon. Madalas eh nagpapatawa siya. Magaan kasama.

Pagbalik niya, sabi ko nga, seryoso, tahimik, nakasimangot.

Tinanong ko sya, "Bakit? Anong nangyari sayo?"

Sagot niya lang, "Wala, sa bahay."

Naintindihan ko na kaagad. Alam kong may dinadala siyang problema at iniintindi ko yun.

Nahalata namin ang pagkabadtrip niya sa mga kilos niya. Pinagbuntunan niya ang kapatid niyang si Jerel. Pero wala pa din kami. Akala namin lilipas.

Si Ace na bestfriend niya, di din nakaligtas sa init ng ulo niya.

Madalas talaga silang magtalo ni Ace. Kaya akala namin isa lang sa mga away nila.

Okay pa ako nung mga oras na yun.

Hanggang sa nangyari ang di inaasahan.

Sa pagtatanggol ko kay Ace, bigla nya akong naduro sa batok ko. Agad kong kinonsider na BATOK yun.

Sensitive ako sa mga bagay na ganon.

Murahin mo na ako sa mukha ko't lahat okay pa din ako wag mo lang akong duduruin at.....BABATUKAN. Babaliktad mundo mo't magiging lalaki ako sa isang iglap. Di kita uurungan.

At yun na nga ang nangyari.

Pinagsabihan ko si Omec na bukas na lang kami mag-usap dahil mali ang timing sa issue na gusto niyang pag-usapan. Nasa bahay kami nila Jhun at nandon din sa harapan namin ang kanyang bayaw na minsan lang naming makasama. Nakakahiya sa maikling salita.

Naging makulit si Omec. Sinagot ko ng paulit-ulit na "Bukas na tayo mag-usap. Wag ngayon. Wag mo akong idadamay. Wag ako OMEC! Bukas na..."

Makulit pa din siya kaya't nakahalata si Pau sa pagkabad trip ko't niyaya niya akong umalis muna't magpalamig.

Kinausap niya na din ako't sinabi ang saloobin niya sa nangyari.

Kakampi ko si Pau. Salamat naman, naisip ko.

Mali talaga si Omec. Lasing na din kasi't may hinanakit kaya naiiintindihan ko siya.

Kawawang Ace, naisip ko. Napagbalingan at pati kami'y nadamay.

Sinubukan naming bumalik sa inuman. Habang si Ace ay nag-alok ng kape't matutulog na daw siya. Di namin tinanggihan ang alok niya.

Si Paulo ang naging tester namin sa pagtangka naming bumalik.

Nagprisinta siya dahil alam niya sa sarili niyang kaya niyang itake lahat ng pangyayari. Samantalang ako'y apektado na't di na uurong sa anumang laban.

Ilang minuto ang nakalipas, humahangos si Pau tulak-tulak ang motor niyang niyaya akong umuwi.

"Puta, mababa na ang pride ko ha, di ko na kinaya. Myke uwi na tayo."pagalit niyang sinabi.

Naintindihan ko na agad ang ibig niyang sabihin.

Di ko kakayanin ang kabaliwan ni Omec. Baka grabe lang ang mangyari.

Nagpasya kaming umuwi na lang at iwanan ang session ng di natatapos. Hindi na maganda ang mga nangyayari. Wala ng patutunguhan.

Masakit man sa dibdib ay tinanggap kong di ko na matatapos ang inuman, umuwi na kami.

Maya-maya'y humahangos si Omec na humabol sa amin. (Nakatambay kami kila Ace at iniinom ang MILO na tinimpla niya para sa amin.)

"Bakit mo ako ginagago ha!"sabay turo ni Omec sa nakaupong si Ace sa doorstep nila, walang malay.

Sa puntong yun, tinangay ko na pauwi ang mug nila Ace. Kasabay ko si Pau maglakad pauwi sa direksyon ng bahay namin.

Wala na 'to. Isip ko. Away-lasing na.

Habang papalayo kami. Naririnig ko pa din ang pagtatalo nila Ace at Omec. May narinig din akong tunog ng nabasag na baso. Kalauna'y nalaman ko na binato pala ni Ace si Omec ng isa sa mga mug na hawak niya. Buti na lang at nakailag si Omec.

Nagulat ako sa mga pangyayari.

Si Omec kasi ang pinakahuli kong inaasahang tumalo sa akin ngunit nung gabing yun, nagawa niya.

Di din ako siyempre papatalo. Alam kong malaki ang laban ko. Kahit siguro nagkapisikalan. Kawawa lang si Omec.

Sa puntong yun, nag-usap pa kami ni Pau sa harap ng bahay. Nag-alala kami pareho dahil si Omec na nga yun, di basta-basta.

Mahalaga pareho sa amin si Omec. Di namin basta na lang pwedeng ibasura't kalimutan.

Nagpahayag si Pau sa pag-aalala niyang baka di na maibalik sa dati ang pagsasamahan namin dahil sa nangyari.

Ganon din ang naisip ko. Bahala na...

Itinulog na lang namin. Kung anuman ang nangyari sa mga natira ay di na namin alam at inalam.

Umaga.

Pagkagising ko'y wala na akong pakialam sa nangyari sa nakaraan. Nagworry lang ako ng konti sa magiging reaksyon naming lahat.

Ilang oras ang nakalipas at dumating si Omec sa bahay.

"Myke?"tawag niya.

"Oh. Pasok Mec." agad kong sagot.

"Ngayon mo ako kausapin" banat ni Omec habang papasok.

"May muta ka pa. Kagigising mo lang?" bara ko. Nakita kong may muta nga sa kanang mata niya't di ko naiwasang pansinin.

"Oo."inosenteng tanong niya habang pinupunasan ang kanang mata.

Sa totoo lang, wala talaga akong ganang mag-explain sa kanya dahil alam kong alam niya yung ginawa niya.

Wala din akong maisip na eksplanasyon sa mga bagay na nangyari nung nakaraang gabi, lasing ako. Kinalimutan ko na yun. Burado na.

Sa pag-aalala namin ni Pau na magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin, di ko naramdaman nung nasa harap ko na si Omec. Si Omec yun, siguro may exception.

Pwedeng palagpasin pero di na pwedeng ulitin.

Sa tingin ko sa nangyari, sa pagkakaibigan, maaari mong sabihin lahat sa kanya. Gawin lahat ng gusto mo sa kanya. Pero may limit.

Isipin mo din ang mararamdaman niya.

Lagi mo pa ding isaisip ang respeto. Wag na wag kang lalagpas sa border na yun kundi gulo yun.

Pwede kang tulungan sa kung anumang problema mo.

Iintindihin kita hangga't sa makakaya ko pero intindihin mo din ako. Magbigayan tayo...


Sunday, May 17, 2009

Giddy Up Bading Dong

Minsan lang kami magkaroon ng special guest sa aming sessiong mga sessionistas.

Madalas mga kapitbahay, girlfriend ng kaibigan, napadaan lang, o di kaya'y yung sadyang makapal lang ang mukha't gustong uminom at walang pang-inom. Welcome naman lahat, wag lang masyadong matakaw sa pulutan at nangungunang umubos ng Tortillos ko. Okay lang.

Pero nitong nakaraan na gabi, binisita kami ng Tito ni Paulo, si Dadad Eric.

Dadad ang tawag sa kanya ni Pau, dahil ito na ang nagsilbing tatay niya nung medyo walang gumagabay sa kanya.

Cool si Dadad Eric sa edad na 45. Kayang-kaya makipagsabayan sa mga nakababata sa kanya. Minsan nga mas malawak pa yung knowledge nya sa isang bagay lalo na't interesado siya.

Laki siya sa marangyang pamilya. Nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad na pangmayayaman. Matalino at madiskarte sa buhay. Nakisalamuha't nakilala ng mga malalaking tao sa pulitika at sa angkan ng mayayamang pamilya.

Nakakabilib ang background nya kung iisipin. Bigatin.

Si Dadad Eric ngayon ay isang taxi driver. Nagbaboundary siya sa kotseng pinapasada niya. Biro nya, ilang linggo na daw siyang di nakakahit ng boundary niya. Mukha namang okay lang sa may-ari ng taxi. Pumapasada din kasi yung may-ari gamit ang isa pang sasakyan nila. Yun ay base sa kwento ni Dadad Eric.

Taxi driver mula sa isang mayamang angkan. Alam mo na siguro ang nangyari kung bakit.

Usual suspects.

Barkada.

Droga.

Bulakbol.

Fraternity.

Bisyo.

Nalihis ng landas? Maaari. Pero hindi ko din masasabi. Kung papakinggan mo ang mga kwento ng kanyang karanasan sa pabirong paraan, masasabi mong naging masaya naman siya sa mga pagkakamaling nagawa niya. Walang bahid ng pagsisisi? Siguro. Natuto naman siya eh.

Mula sa katawa-tawang kwento niya mula pagkabata.

Minsa'y niyayang makipaglaro ng barilan sa kanyang nakababatang kapatid with costume. Siya Indian. Ung isa Cowboy. Matapos magtaguan ng matagal. Nakapagbawas na siya lahat. Di lumitaw ang kalaro. Nung makarinig ng ingay sa ilalim ng kanilang hagdan. Dahan-dahan niyang sinorpresa ang kalaban ngunit siya ang nasorpresa. Nahuli niyang kumakanta ng "Giddy Up Bading Dong" ang Cowboy habang nilalaro ang Barbie ng babae nilang kapatid.

"Pano na yung barilan natin? yamot niyang tanong sa Cowboy.


"Eh di, BANG BANG! Patay ka na"..panalo ang Cowboy.


Hanggang sa maaga niyang pagpasok sa rehab nung high school.

Sanhi ng pagkakarehab, natigil siya sa 2nd year high school. Sa paglabas sa rehab sa edad na 18, kinailangan niyang magtake ng acceleration test para madetermine kung pwede na siyang tumuloy ng kolehiyo...awa ng Diyos, nakapasa siya.Galing diba?

Hanggang sa pagsali niya ng fraternity nuong 1978.

Sumali siya sampung taon pagkatapos maestablish ang Tau Gamma Phi. Agad siyang naging DGT sa chapter na pinasukan niya. Naging GT ng isang sikat na unibersidad sa Maynila. At GT ng iba pang chapter sa community.


Sa pagtangka niyang manghold-up.

Dala niya'y pellet gun. Nung mahuli ng pulis. Biglang naging abnormal ang drama. Convincing ang lolo mo't pinakawalan dahil nga siya'y isa raw siraulo.

Marami pang kwento si Dadad Eric nung college days niya. Naging part siya ng swimming team at sumali din sa diving competition. Nakaabot sa international competition at nanalo. Malas lang dahil tinalo siya ng droga kaya nahinto't muntik ng malunod.

Masaya si Dadad Eric kasama. Madaming talent. Marunong mag-impersonate. Kaya niya si Erap, FPJ, Fidel V. Ramos at ang fave ng lahat...si Nanay Dionisia.

"I love you Manny! Many money!"

Madami siyang jokes. Ang kwento niya sa parrot na ipinako sa krus ang tingin kong paborito ng nakararami.

Ang favorite kong talent niya, ang tumugtog ng gitara't kumanta. Talented di ba? Tumugtog siya bago siya umalis para ipasada ang kanyang taxi. Alas tres na yata yun.

Naiingit ako kay Dadad Eric.

Bakit?

Nabuhay siya't nabubuhay ng walang takot. Sinulit niya ang panahon ng kabataan niya, at sa tingin ko sinusulit pa niya ang mga nalalabi. Sinubukan niya ang mga bagay na ang ibang tao'y ningingiming gawin. Mga taong tulad ko. Matapang siya. Napariwara man, sa tingin ko'y nakabangon naman.

"Diskarte lang" madalas niyang sabihin. Yun yata ang bagay na wala ako. Diskarte. Lahat na yata ng meron si Dadad Eric sa katawan, wala ako.

Napansin lang namin. Simula ng magsimula ang inuman hanggang sa umalis si Dadad Eric, siya ang bangka. Walang umagaw. Lahat natuwa. Karamihan sa ami'y di nalasing. Tawa kasi ng tawa. Nung umalis na si Dadad Eric, nanahimik na kami. Nagsimulang mag-usap-usap ng kanya-kanya. Pero di naalis sa isip ko yung iniwang aral ni Dadad Eric. Kahit sa mga bagay na hindi niya nabanggit, naintindihan ko. Mga bagay na isang tingin ko pa lang sa kanya at mga pangaral/aral na nakatago sa bawat kwento niya naintindihan ko.

Salamat Dadad Eric. Hanggang sa muling pagbisita at pag-guest sa session naming mga nangangapa pa sa buhay.

Tuesday, May 12, 2009

Si Ynah At Ang Kanyang Lihim Sa Dilim

Umaga.

Habang papunta ako sa aking latest job interview kanina. Napansin ko ang mga taong kasabay ko at mga nadadaan ng fx na sinasakyan ko. Mukha silang busyng-busy. Bawat hakbang nila'y tila sigurado na may patutunguhan. Nagmamadali baka mahuli sa oras ng pagpasok o kunsaan man sila papunta.

Bigla kong naisip si Ynah.Isa sya sa mga baklang nagtatrabaho para sa aking Tito at Tita. May-ari kasi sila ng isang Salon sa may bayan.

Sa mga oras na papunta ako sa Makati, si Ynah ay kasalukuyang nakadetain sa Police Headquarters ng Taytay.

FLASHBACK:

Nareceive namin ang text niya nung umaga. Pinabasa sa akin ni Tita M.

"Tita M tulungan nyo ako. Nandito ako sa munisipyo. Wala naman akong ginagawang masama."

Yun ang message ni Ynah para kay Tita M. Kinabahan kami. Nag-isip ng mga dahilang pwedeng maging sanhi ng pagkakadetain nya. Nagkibit-balikat lang ako sa mga inisip na dahilan ni Tita M. Malamang yun ang nangyari pero mahirap magconclude sa mga oras na yun.

Di ko na nagawang sundan ang nangyari kay Ynah dahil kailangan ko ding umalis para sa interview ko.

BACK TO THE PRESENT:

Habang sakay ako ng FX papuntang Makati at nakasilip mula sa bintana nito't pinapanood ang mga taong dinadaan namin, sumagi sa isip ko ang masaklap na nangyari kay Ynah sa kakalipas lamang na gabi.

Ang mga taong 'to, sa isip ko, hindi nila alam ang nangyari kay Ynah. May kanya-kanya silang iniisip at prinuprublema. Ni hindi nga nila kilala si Ynah.

Natanong ko din sa sarili ko kung sila din kaya'y may mga bagay na ginawa sa nakalipas na gabing kahiya-hiya din kung malalaman ng ibang tao?

Sadyang mahiwaga ang gabi. Sa dilim maraming bagay ang nangyayari. Sa dilim maraming lihim na madalas di na dapat ilabas sa liwanag. Mga bagay na dapat ng kalimutan pagsikat ng araw. Dahil alam naman nating lahat na ang bawat umaga ay simula ng panibagong araw.

Kung madumi ka kagabi. Sa umaga may pagkakataong kang linisin ang sarili at makapagsimula muli.

Si Ynah, kakaibang karanasan na naman niya ang muli kong nasaksihan. Isang kabanata sa buhay nya na tatatak sa kanya at sa mga taong nakapaligid at nakakakilala sa kanya.

Di tulad ng mga taong nagmamadali sa umaga. Wala silang alam tungkol sa aking kaibigan. Sigurado akong meron din silang mga lihim sa dilim. Di ko nga lang alam. Marahil di kasing saklap ng nangyari kay Ynah. Pero maaaring mas masahol pa.

Lahat ng tao marumi. Walang taong malinis. Pero tulad ng sabi ko, binibigyan tayong lahat ng pagkakataon para ayusin ang gulo, linisin ang dumi, at magsimula ng bago at matuwid na pamumuhay.

Pagbabako sa FX, naisip ko, "Kamusta na kaya si Ynah?". Nagmadali akong maglakad sa kahabaan ng Ayala Avenue para hanapin ang building na pupuntahan ko. Sa aking paglalakad, napansin kong may mga FX akong nasasalubong na ang mga sakay ay nakatingin sa mga taong tulad kong nagmamadali sa paglalakad. Mga taong sigurado sa bawat hakbang, may direksyon at patutunguhan.

Monday, May 11, 2009

Sa Tuktok ng Tangke

Muli na namang kaming nalasing kagabi't umakyat sa tangke. Sa pagkakataong 'to, mas marami kami. Ansarap talaga ng pakiramdam sa itaas. Naisip ni Jerick na mas maganda daw tambayan ang tangke sa tuwing ika'y nag-iisa't may iniisip.

Napaisip ako. Siguro nga. Payapa sa taas. Tanaw mo ang skyline ng Ortigas at mga ilaw ng kabahayan sa di kalayuang subdivision. Pati na din ang buong Summerfield, ang aming maliit na subdivision.

Kung ikaw ay aakyat dun mag-isa sa gabi, ang tanging kalaban mo lang ay ang dilim at takot na biglang may magpakita sa iyong kung ano. Di din naman gaanong malamok sa tingin ko. Pwede ka ding umihi ng walang nakakakita. Tulad ng ginawa kagabi ni ____. Iihi din sana ako pero di ko nagawa. Baka biglang umikot ang isa sa mga kasama ko, dyahe.

Siguro minsan isang araw susubukan kong umakyat ng mag-isa. Magmuni-muni dun. Kaya ko kaya? Siguro. Bat di subukan di ba?

Bumaba kaming lahat sa tangke di katagalan. Balak pa sana naming igood time sila Omec. Isa-isa kaming bababa ng di nila napapansin. Unang bumaba si Jeff. Tapos si Jerick. Nung nag-excuse ako para umihi, yun na ang hudyat ng pagbaba ko. Pagdating ko sa babaan, nagkasalubong kami ni Hapon. Nagulat ako kasi akala ko isa siya sa mga maiiwan.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Bababa" mabilis niyang sagot.

"Okay. Mauna na ako" sabi ko habang pumuwesto na ng pababa.

Di na siya sumagot. Hinintay niya na lang na makadistansya ako saka siya bumaba.

Nagbabaan na din sila Chai, Pau, Omec at Jr.

Umikot kaming lahat sandali sa kalahati ng subdivision.

Nung na kila Chai na uli kami, habang nagpapahinga. Nagtanong si Jr.

"May load pa sa inyo?"

"Sa oras na 'to? Tulog na yung mga yun!" automatic kong sagot. Madaling araw na at hindi 711 ang aming bahay. Baliw talaga si Jr....32kb.

Pagkatapos ay napagkasunduang maglulugaw. Di na sumama si Jr dahil magpapaload pa siya.

Nung papunta na kami sa aming fave lugawan, nadaanan namin si Jr sa kanto ng Golden City, sa may BURGERAN. Natayo at tila may hinihintay na kung ano.

"Hoy! Anong ginagawa mo jan?"tanong ni Paulo.

"Uuwi" maikling sagot ni Jr.

"Lika, sabay ka na namin."sabi ni Pau.

Sakay ang Jr. Sa bilis magpatakbo ni Pau ng motor niya, di na nakapwesto ng maayos si Jr. Tumakbong nakahang ang dalawang paa ni Jr. Naisip ko ang hirap nun. Kapag kasi kaming dalawa ni Chai ang angkas ni Pau, halos mahulog na ako dahil walang kapitan ang motor ni Pau. Ayun! Si Jr, halos mahulog na nga at siguradong ngawit sya dahil nga nakahang lang yung dalawa nyang paa. Di man lang pinaapak sa apakan. Di ko alam kung matatawa ako o maaawa.

"San ka ba?"tanong ni Paulo pagdating namin sa gate ng Golden City.

"Sa Bagong Palenke."sagot ni Jr.

Naconfuse kaming lahat. Ang akala namin hanggang dun lang sya't dun na sya mag-aabang ng sasakayan pauwi.

"Lika na, sabay ka na sa amin."si Pau. Angkas uli si Jr.

Pagdating namin sa fave lugawan namin, baba din si Jr.

"Lalakarin ko na lang."si Jr.

Di na namin siya pinansin dahil kumakalam na mga tiyan namin. Nagutom yata sa inuman, nagtataka ako kasi madami naman kaming pulutan. Malamang psychological lang, nakakagutom kasi yung thought of lugaw.

Kain, lamon, super lagay ng bawang na sunog.

Kain, lamon, inom ng tubig. Ubos.

Solve na. Umuwi na kami. Si Pau parang hinahabol ng sampung G liner sa bilis magpatakbo. Kami nila Chai pagurl lang ang andar.

Nakauwi kaming lahat ng safe at nagpasya ng umuwi sa kanya-kanyang bahay. Alas-tres pasado na nung mga oras na yun.

Pagdating sa bahay sinubukan ko pang mag-online at tingnan kung online si HB. Wala. Tulog na siguro. Naisipan kong mag-iwan ng message sa friendster nya. Nag-alangan ako. Naisip ko kung tama ba yung gagawin ko. Baka lumabas akong needy at hayok sa attention nya. Natural, nilamon yun ng kagustuhan kong mag-papansin sa kanya. Nag-iwan nga ako ng message at nagpasya na akong matulog.

Pambihirang inuman. Di man lang ako nalasing. Ganon din ang sabi ni Chai kanina. Naisip ko meron pa namang next time para maglasing muli't malunod sa alak. Sisiguraduhin ko sa susunod may tama na akong uuwi.

Saturday, May 9, 2009

si hb

Si H B ay ang natatangi kong kachat na di ko talaga kakilala.

Nakikipagchat lang ako lately sa mga kaibigan ko't fellow sessionistas.

Dati mahilig ako mag-YM nung kausuhan pa nito. Dami kasing pwedeng makilala at mameet pa kapag sinipag.

Ganon din si H B. Kaya siguro nasa list nya ako kasi nagkachat na kami way way back.

Pini-m nya lang ako ng "San ka...dalawin kita".

Nagulat ako sa message nya. Akala ko kung sino na. Napansin ko yung status ko sa itaas..."Bilanggo" pala nakalagay.

At eto kung paano tumakbo ang usapan namin. Mahaba ang naging palitan namin ng message. Masarap siya kachat. May pagkapilyo din. Napansin ko malandi pala ako sa chat. Nireview ko kasi yung first part ng conversation namin. Tsk tsk...

h b (5/9/2009 1:46:45 PM): e sabe mo bilanggo ka...
h b (5/9/2009 1:46:45 PM): dalawin kita minsan nyahahahha
st_mykell (5/9/2009 1:46:52 PM): hehehehe...
st_mykell (5/9/2009 1:47:02 PM): may i know hus dis pls?
h b (5/9/2009 1:47:18 PM): bert 24 m jeddah
h b (5/9/2009 1:47:22 PM): u?
st_mykell (5/9/2009 1:47:27 PM): myke
h b (5/9/2009 1:47:52 PM): naka add ka buddylist ko hehehe...di ko maalala san tau nag chat dati
st_mykell (5/9/2009 1:48:00 PM): matagal na siguro
st_mykell (5/9/2009 1:48:36 PM): kelan ka dadalaw?
h b (5/9/2009 2:12:18 PM): hehe
h b (5/9/2009 2:12:20 PM): pede mamaya??
st_mykell (5/9/2009 2:12:34 PM): hahaha..pwedeng pwede
h b (5/9/2009 2:12:40 PM): hahaha
st_mykell (5/9/2009 2:12:55 PM): gawa mo?
h b (5/9/2009 2:13:16 PM): e2 nag plant tour hehehe
h b (5/9/2009 2:13:34 PM): hahanap ako magmasahe sa akin mamaya..sakit katawan ko eh
st_mykell (5/9/2009 2:13:53 PM): ah..sakto dito sa bilangguan..magaling magmasahe mga tao dito
h b (5/9/2009 2:14:02 PM): hahaha
st_mykell (5/9/2009 2:14:13 PM): matagal ka na jan?
h b (5/9/2009 2:15:31 PM): 1 year
st_mykell (5/9/2009 2:15:42 PM): san ka dito sa pinas?
h b (5/9/2009 2:15:48 PM): las pinas
st_mykell (5/9/2009 2:16:01 PM): haha
st_mykell (5/9/2009 2:16:06 PM): pinas las pinas
st_mykell (5/9/2009 2:16:08 PM): la lang
h b (5/9/2009 2:16:12 PM): hahah
st_mykell (5/9/2009 2:16:27 PM): may asawa ka?
st_mykell (5/9/2009 2:16:38 PM): cenxia straigt forward tanong
h b (5/9/2009 2:16:58 PM): anak meron
h b (5/9/2009 2:17:08 PM): asawa ...ahhhhh...di ko alam kung nasan na eh
st_mykell (5/9/2009 2:17:17 PM): haha...
st_mykell (5/9/2009 2:17:26 PM): ano yung hb
h b (5/9/2009 2:17:47 PM): haba-batuta
h b (5/9/2009 2:17:47 PM): nyahahaha
st_mykell (5/9/2009 2:17:58 PM): hahaha
st_mykell (5/9/2009 2:18:00 PM): nice
h b (5/9/2009 2:18:03 PM): nick ko yan....ewan ko opis bahay skul yan tawag sakin initials ko kasi yan
st_mykell (5/9/2009 2:18:54 PM): okay...hb
h b (5/9/2009 2:19:09 PM): pede din hi-blood
h b (5/9/2009 2:19:10 PM): nyahaha
st_mykell (5/9/2009 2:19:14 PM): naisip ko nga
st_mykell (5/9/2009 2:19:16 PM): hehehe
h b (5/9/2009 2:19:36 PM): dali din mag init ulo ko
h b (5/9/2009 2:19:42 PM): up and down nyahahahaha
st_mykell (5/9/2009 2:19:49 PM): hahahaha
st_mykell (5/9/2009 2:19:51 PM): pilyo
st_mykell (5/9/2009 2:20:02 PM): mas okay na yung down there
h b (5/9/2009 2:20:10 PM):
st_mykell (5/9/2009 2:20:25 PM):

At gaya ng sinabi ko, matagal nga ang naging usapan namin.

Preview lang yan.

Mukhang interesting na tao si H B. Sana maging matagal ang aming pagkakaibigan sa YM.

Kita ko din yung picture nya sa avatar nya, ansexy ng mokong. Mukhang mawiwili akong kachat 'to.

Dalawin niya kaya ako sa seldang kinabibilanguan ko??

Wednesday, May 6, 2009

Ang Stalker ni Miss Jenny, Ang Dalawang Cinderella at Ang Maling

Andaming nagbasa ng 176.50.

Nakakataba ng puso. Prinomote ko din kasi sa GM (Group Message).

Kaya siguro naintriga yung iba...mga tsismosa.

Salamat Jason, Chai, Tin, Kriselle, Lharz, Carla, Miss Ella, at Miss Jenny.

Salamat din sa mga babasa pa lang.

Kagabi sa despedida ni Miss Jenny napag-usapan yung latest blog post ko.

(Si Miss Jenny ay nakagagandang/nakatatandang kapatid ni Chai. Papaalis siya ng Pinas papuntang HongKong for six months. Di ko alam ang trabahong gagawin niya basta si Omec size 7 daw, si Hapon small at ako medium.)

Nakakaaliw daw. Nakakatawa daw.

Ah, siguro nga.

Nakakaaliw/nakakatawa ang masilip mo ang perspective ng isang tao sa mga pangyayaring nandoon ka din.

Di naman ganon kaphotographic yung memory ko katulad nung kacompetensya ni Paulo sa klase nya.

Nagkataon lang na di ako masyadong lasing.

At di kagaya ni JR na binansagan naming 32kb ang utak.

Si JR paglasing parang si Dory (yung isdang blue sa Finding Nemo).

Kasi may short term memory lost siya eh.

Pwede mo siyang kausapin ngayon. Bukas limot niya na lahat.

Taray di ba? Para ding si Drew Barrymore sa 50 First Dates. Hollywood pala dating ni JR.

Maulan ang gabi ng despedida ni Miss Jenny.

Maulang literal.

Maulan din ng pulutan.

Maulan ng Matador.

Mayaman kami.

Di katulad nung nakaraang session.

Ang Gran Matador na ininom namin at ang mga pinulutan ay binili sa Puregold hindi sa sari-sari store.

Isang malaking kaangatan sa nakaraan. Mayaman nga.



Nagluto si Miss Ella ng sisig. Na binudburan ng sibuyas ni Miss Jenny. Na binudburan ng sliced siling labuyo ni Chai.

Division of work.

"Tikman mo 'to." sabi ni Chai sabay abot sa akin ng kutsarang may sisig at chunks ng sibuyas.

Kinuha ko't isinubo.

Napressure akong magsabi ng "Ansarap!" habang ngumunguya para convincing.

Masarap naman talaga. Lalo na yung Maling na sliced into teeny weeny pieces. Natapon pa ni Miss Jenny sa kung anong dahilan.

Nanghinayang ako dun ha..sumagi siya sa utak ko lalo na nung naubos na yung Maling. Sayang.

Present din pala si Kurt.

Ang manliligaw ni Miss Jenny.

Si Kurt ay 32 years old na nagsimula bilang stalker ni Miss Jenny bago naupgrade sa status na manliligaw.

Cool naman siya. Mabait. Maputi. Mukhang bata kumpara sa edad niya. Mahilig magpatawa. Smart din.Mabait. Maputi....(hinihintay mong sabihin kong gwapo siya? Itanong mo na lang kay Miss Jenny.)

Si Kurt daw ay dumaan na sa ilang maseselang operasyon due to his heart condition.

May butas daw puso niya at limitado ang dami ng alak na pwede niyang inumin, 2 bottles lang daw ang sinet na limit ng doctor niya.

Pero kagabi nakawalo yata siya na San Mig Light. Okay pa naman siya.

Siguro nakatulong din yung presensiya ng babaeng nagugustuhan niya.

"Bawal mangisay. Kaya ko 'to." Yun siguro motivation niya.

As usual, si Paulo Cinderella na naman.

Umuwi ng mas maaga pero lagpas alas-dose.

Si Jerick, aspiring din sa role na Cinderella.

Masyadong competitive kaya sumugod sya sa ulan at saktong alas-dose siya umuwi.

Si Omec masyadong tahimik kagabi.

Pero paminsan-minsa'y nagsasabi ng "May I have your attention please? It's your shot."

Astig talaga si Omec pag-Inglesan na.

Si Hapon aliw na aliw sa new found friend nyang si Kurt.

Lahat ng joke ni Kurt, benta kay Hapon. Kahit paulit-ulit.

Cute. Pwedeng gay lovers.

Pero pano si Miss Jenny?

Interesting triangle.


Si Miss Ella (nakablue) at si Miss Jenny (syempre yung nakastripe na yellow)


Natapos ang inuman ng bukang liwayway.

Tumila na din ang ulan sa oras na yun.

Di namin naubos yung huling bottle.

Sayang sa isip ko.

Alcoholic na talaga ko.

Paalam Miss Jenny!

See you after six months.

Si Omec size 7.

Si Hapon small.

Ako medium.

Tuesday, May 5, 2009

176.50

Hapon kahapon.

Dinaanan ako ni Paulo, ang bestfriend ko. As usual, may dala siyang yosi para sa aming dalawa. Meron din siyang dalang Sparkle, pero sa kanya lang. Andamot, naisip ko. Pero okay lang, di naman ako nauuhaw nung mga oras na yun.

Punta kami sa gazeebo.

Sinindihan ang yosi. Hithit-buga habang nagchichikahan.

Konting usap sa araw niya, sa kanyang assignment-phatophysiology.

Isa siyang third year nursing student.

Usap din kami tungkol sa mga nangyayari sa aming munting clan, sa buhay, sa akin.

Naboring yatang ako lang ang kausap kaya niyaya akong pumunta kay chai.

Punta kami kila chai. Naabutan naming nagtetext sa doorstep nila.

Nagpatulong siyang ayusin yung monitor nila sa akin dahil iba yung kulay. Ginalaw ko lang yung connection sa likod. Viola! Ayos na.

Di din sila nakuntento sa pagtambay dun, nagyayang pumunta sa court para panoorin yung mga naglalaro.

Lakad kami papuntang court. Yosi pa din habang naglalakad.

Wala na kaming naabutan sa court kaya tinuloy na lang namin yung paglalakad paikot ng summerfield.

Nakita namin silang nakatambay kila jerick.

Umiinom ng RC.

Bigla akong nauhaw. Nakiinom na din ako kahit alam kong premyo yun ng nanalong team sa basketball. Okay lang naman yun sa kanila eh.

Tambay kaming lahat kila jerick.

Hanggang sa nagkayayaang uminom sa gabi.

Nagkaambagan.

Wala akong ambag kasi wala naman akong pera.

Ayos lang din yun sa tingin ko.

Si Jason nagbigay ng 20 pesos, pero di daw siya sasali sa inuman.

Si Chai isandaan binigay.

Di ko alam kung sinu-sino pa nagbigay, basta ang total nung pera 176.50.

At talagang may butal pa.

Nagpasya kaming umuwi muna at maligo.

Gabi na.

Tapos na akong maligo at kumain. Di sana ako kakain kaso naiingit ako sa pritong bangus na ulam ni Lola. Kumain ako ng konti.

"Teh asan ka na? Game na!"

Text ni Omec.

Di ko nirereply kasi wala na akong unlimited. Hinayaan ko lang.

Mga nakaanim yatang text bago ako lumabas.

Pasimpleng kinuha yung susi at yun! Dumiretso na kila Omec para masimulan na namin ang inuman.

Dinaanan ko si Hapon papunta kila Omec.

Kaso nasa taas daw sabi ni Tita Malou. Nagbabasa siguro nung hiniram kong Bob Ong book.

Dumiretso na ako kila Omec.

Naabutan ko silang nasa doorstep nila, si Omec at ang mga bata.

Matagal kaming naghintay sa iba.

Dumating si Hapon. Tapos si Chai. Okay na.

Lakad kami papunta kila Jerick, ang offical venue ng session.

Sinalubong kami ni Jerick.

Handa na sya.

Kinuha niya yung 176.50 at binigay sa amin.

Biglang umambon.

Nag-alangan kami kung dun nga iinom.

"Dun na lang tayo sa garahe namin?"tanong/offer ni chai.

"Okay lang."sagot namin nila Omec at Hapon.

"Lika na! Bili na tayo!"di ko alam kung sino nagsabi nun.

"At lahat talaga tayo bibili..."sabi ni Chai nung napansing madami kaming naglalakad.

"Oo nga ano?"sagot ko.

"Uy! Wala ng ulan oh! Pwede na tayo kila Jerick ulit."suggest ko.

"Sige kila Jerick na lang. Madali lang namang maglipat pag umulan bigla."sabi ni Chai.

Agree kaming lahat dun.

Tuloy ang lakad.

Humabol si Jun. Sama din siya sa pagbili at sali din siya sa inuman.

Sa tindahan binilang ko yung pera ulit. Natatawa ako kasi may dalawang bentsingko.

Taghirap talaga kami ngayon.

Natural, sa lakas naming uminom kukulangin ang isang litrong Gran Matador o isang long neck. Kaya nakaset na sa utak namin na dalawa ang bibilin namin.

Naisip ko yung pera di kakasya.

Humingi pa kami ng dagdag sa mga nandun.

Si Hapon nagabot ng barya. "Idagdag mo 'to o."sabay abot.

Dos.

Si Jun din dumukot sa bulsa. "Eto oh."

Dose.

Nagdagdag din si Chai. Hanggang ang pera namin ay umabot sa 199.

Ayos na! Ready na kaming bumili...

"Magkano po yung isang litrong Matador?"tanong ko sa tindera.

"Ay, wala kaming litro."sagot nung tindera.

Bagsak balikat namin.

"Okay.."tingin/silip kaming lahat sa katapat na tindahan.

"Ayun lipat tayo sa kabila! Meron silang litro."sabi ni Chai.

Bulgaran talaga. Natawa ako. Tawid kami ni Chai.

"Pagbilan po!"tawag ni Chai.

May sumilip.

"Ate may bibili...maganda."sabi nung lalaking sumilip.

Napangiti kami ni Chai.

After 10 minutes walang ateng lumabas.

"Dun na lang tayo!"sabay turo ni Chai sa isang tindahan sa corner ng Golden City.

"Let's go!"tawag ko dun sa mga boys.

Lakad.

Bili. Sabi ko na nga ba kukulangin pa din. Buti na lang may extra pa si Chai. Di ko alam kung san nanggaling.

Bumili kami ng isang litro ng Gran Matador, isang long neck, dalawang iced tea, at 18 pesos na Marlboro reds.

Walang pulutan dahil wala na kaming perang lahat.

Lakad pauwi.

Nasalubong namin si Pau pagdating Cherryville.

"Pau pamani ka naman!"kantiyaw ni Chai.

Sumakay si Chai sa motor ni Pau para bumili ng mani.

Lakad na kami nila Hapon, Omec, Jun at Jerick pauwi sa kanila.

Pagdating sa bahay nila Jerick matagal pa bago kami nakapagsimula.

Nagsimula na inuman. Ayos naman.

Dumating yung mga bata. Mga lasing din kasi uminom din sila.

Papainumin sana namin kaso may text na mula kay Lhara na wag na sila painumin.

Pinashot pa din ni Chai si Jema. Tinungga naman saka nagyayang umuwi.

Inom ulit kami.

Bumalik si Ace at Jm. Tambay konti. Tapos umuwi na din sila.

Umuwi na din si Pau nung alas dose kasi siya si Cinderella at si Tito niya ang kanyang evil Step Mom.

Nilabas ni Jerick yung gitara.

Ayos! Naisip ko.

Tugtog si Hapon. Kanta kami.

Tugtog si Jerick. Kanta kami.

Pumuga si Jun. Marahil lasing na.

Natapos inuman bandang mag-aalas tres.

Ikot kami sa Summerfield.

Pagkatapos ng isang revolution.

Ikot ulit.

Sa pangalawang ikot, pagdaan namin sa court...

"Akyat ulit tayo sa tangke!"di ako sure kung si Hapon o si Chai.

Akyat kaming lahat although nag-aalangan si Omec, may fear of heights pala ang mokong.

Sa ibabaw ng tangke, tanaw namin ang mga bubong ng kabahayan sa Summerfield.

Madilim pa kasi mga alas tres pa lang yun.

Usap kami about Brent, na mahilig nuong umakyat sa tangke.

Naisipan din naming ibenta yung tangke para magkapera.Ang dilemma kung paano.

Parts by parts ba?

O buo nang ibebenta.

Imposible yung pangalawang option.

Nabaling usapan namin sa ghost stories.

Nagkatakutan.

Hanggang sa nagkayayaan ng bumaba at umuwi na.

Umuwi kaming may mga ngiti sa labi at puno ng pag-asang mamaya, pagsapit ng gabi.....magpapainom ulit si Chai.