Wednesday, December 22, 2010

Si Inang

Naalala ko nuong una nating pagkikita. Di ko maisip na may isa pa akong lola. Ang alam ko lang kasi ung kinagisnan kong lola, ung nanay ng Nanay ko. May nanay din pala si Tatay, naisip ko.

Hindi ko tuloy maiwasan na ikumpara ang dalawa kong lola. Si Lola, nanay ni Nanay, maingay. Si Inang, nanay ni Tatay, tahimik lang. Si Lola, malusog, malaki. Si Inang, slim. Si Lola madalas kong makitang gumawa ng gawaing bahay, luto, linis, laba. Si Inang madalas kong makita sa bukid, nagtatanim, nagpapastol ng alaga nilang kambing. Magkaiba man, eh palagay ko napakaswerte ko pa rin para magkaroon ako ng dalawang lola. ♥

Isang amoy lang ang nakakapagpaalala sa akin kay Inang, ang amoy ng tabako. Yun din ang amoy na malalanghap mo pagpumunta ka sa bahay nila.

Si Inang, tulad ng nasabi ko, sobrang sipag. Palagi mo siyang makikita sa bukiran. Di ko nga magets kung bakit hindi siya nawawalan ng ginagawa sa bukid araw-araw. Sa tingin ko ito na rin ung dahilan kung bakit wala akong maalalang favorite recipe nya. Mas sanay siya sa bukid kesa sa kusina.

Pero may talent naman siyang hindi mo mahahanap sa ibang lola eh. May HEALING POWER SIYA. Naaalala ko nuon kapag may sinat ako o kahit sino sa aming magpipinsan, pagkatapos niya kaming hilutin maya-maya okay na kami. Nung nagkaanak ang ate ko, may ritual siya sa hapon para daw mahimbing na makatulog sa gabi ung baby. Ang ginagawa niya, tinatawag niya ung pangalan ng pamangkin ko na para bang malayo siya't pinapauwi niya. Lagi akong nangingilabot pag ginagawa niya ito. "Makan Aaron! Agawid kan! Umay kan Aaron! Rabiin!" Sa boses nyang tumatawag na pabulong lang naman. (Natakot naman ako sa memory na 'to).

Hindi naman perfect si Inang tulad ng lahat ng tao. May mali din siya na sa murang isip kong naintindihan ko. Nuong lumipat kami sa Agoo, matagal nang biyuda si Inang at may kinakasamang lalake. Lahat sila Tatay at mga kapatid niya pati na din mga pinsan ko, napansin ko di aprub sa desisyong ito ni Inang. May panahon dati na umabot sa hiwalayan ang pagsasama nila. Nakita kong mag-isa si Inang. Malungkot siya syempre. Napadalas tuloy ang dalaw ko sa bahay niya. Naisip ko kailiangan niya din ng kausap. pagpumupunta ako sa bahay niya nung panahong siya lang mag-isa, halos wala akong marinig na ingay sa buong kabahayan. Malungkot nga. Di nagtagal, bumalik din naman sa kanya si "Itang". Hindi ko na maalala kung pano pero nakita ko na lang na magkasama na ulit silang pumunta sa bukid. Napanatag ako nuon. At least may kausap na si Inang at di na siya mag-isa sa bahay, sa buhay. Di na din ako masyadong dumalaw mula nuon. Kahit naman gusto kong may kausap at kasama si Inang, di ko din naman gusto si "Itang".

Huli kong nakita si Inang sampung taon na ang nakalipas. Mangiyak-ngiyak nung magpaalam kami paalis ng Agoo. Hindi ko akalain yun na pala ang huling pagkikita namin. Kagabi ko nalaman na pumanaw na siya. Nalungkot ako pero di na nabigla. Unang buwan ng Disyembre tinext na ako ng pinsan ko na mahina na nga daw si Inang at pinapapunta si Tatay duon at baka di na abutin ang bagong taon...nagkatotoo nga.

Naaalala ko pa na napag-usapan namin ni Manny, pinsan ko na nagtext sa akin tungkol kay Inang, nung makakita kami ng burol dati sa Pasko, " Ang pangit siguro magPasko ng may patay." At nangyari na nga sa amin. Pareho kaming wala sa burol ni Inang. Uuwi siya galing Qatar sa Enero. Uuwi din ako don sa Agoo para magkipagkita sa kanya. Para na din bisitahin ang bahay ni Inang na sana'y amoy tabako pa din..at dumalaw sa puntod niya.

Paalam Inang! Hanggang sa muli nating pagkikita. ♥

Tuesday, November 30, 2010

Bababa ka ba?

Ika-isa ng Disyembre taong 2010. Unang araw ng huling buwan ng taon. Nasaan ako? Nasa aking lungga. Nagtatago. Kung sa anong dahilan eh 'di ko pa masabi. Sa makatuwid, di ko pa talaga maisip at matukoy kung bakit.

Kilala ko ang sarili ko bilang isang taong compulsive. Maisipan na lang. Madalas mali ang mga desisyon. Mga simpleng bagay nagiging komplikado dahil sa maling bugso ng damdamin. Biglaan! Pagkatapos ay panic. Tulad ngayon, isa sa pinakapangit na ginawa ko, isa sa pinaka-bobong desisyon sa hindi malamang dahilan. Marahil ay alam ko. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko. Sige lang...lokohin mo sarili mo. Ikaw/ako din naman ang magsisisi sa bandang huli. Ansaklap lang isipin.

Madalas nilang sabihin, sa bawat pagtatapos may masisimula. Sa pagtatapos ng taon na ito, sana ganon din ang kabobohan ko. Sana lumipas kasama ng taon. Sa pagsisimula ng bagong taon, sana magsimula na din ang bagong ako. Hayy...madalas ko nang inaasam na magbago. Pero ika nga nila, nasa tao yan kung gustong magbago. Nasa kamay natin ang sarili nating mga kapalaran. Ang tanong ko ngayon, hanggang kailan ko lalaruin sa sariling mga palad ko ang buhay ko?

Muli, narito ako, nag-bibilang ng oras. Nagsasayang ng minuto. Nagpapalipas ng panahon. Hiling ko lang, wag sanang mapag-iwanan.

Alam kong kaya kong humabol kahit gano man ako naiwanan. Sana lang maputol na ang cycle na ito, na kung kelan ayos na, bigla kong ibabalik sa umpisa. Hindi na masaya, hindi na nakakatuwa. Sa puntong ito, may isa lang akong pangako sa sarili ko...muli akong babangon sa abo ng aking katangahan. Hahabol din ako at makakasabay ng kungsino. Lingon-lingon lang, baka malagpasan kita kung ika'y aking mahawaan.

Patapos na ang taon. Pabagsak akong muli. Magkikita na lang tao sa takdang-panahon. Hanggang sa muli!

Wednesday, January 20, 2010

Ang Pagbabalik

Eto na ba ang hudyat ng aking pagbabalik sa pagboblog?

Siguro nga. Malungkot na naman ako eh. Kailangan kong ilabas sa paraang alam ko.

Pero kung titingnan at babasahin mo naman ung mga dati kong posts, di naman gano kalungkot buhay ko. May mga masasaya din. Basta inuman, eh di siguradong kasiyahan yan.

Nawala ako dahil may hinarap ako. Nabusy. Nagkaron ng pagkakaabalahan.

Masaya din kahit papano. At least may pangkain na ako at may respeto na ung ibang tao. Galing di ba?

Pero teka, bakit ba ako ulit nalungkot kung ayos na?

Isa lang ang dahilan nyan. Malamang lahat tayo nakakaranas ng pinagdadaanan ko.

Ang mabigo sa pag-ibig.

Di ako nireject, konting clarification lang.

Di ko nga alam kung anong nangyari eh. Magulo at di ko maintindihan kung bakit ako nasa posisyong ito.

Sawian.

Biguan.

Talunan.

At nakakainis lang dito, walang matinding dahilan. Hindi naman kami. Hindi nya din naman alam na may pagtingin ako sa kanya. Antanga di ba?

Parang high school lang na may gusto sa kapwas estudyanteng taga-kabilang section.

Parang teenager na may crush sa kapitbahay na bagong lipat.

Parang tanga lang. Nanahimik. Di maamin ang nararamdaman sa madaming dahilan pero matutukoy sa iisang bagay lang....lalaki sya, lalaki din ako.

Buti sana kung ung modernong klase siya ng lalaki. Ung tipong kahit papano may pag-asa ako. Ung tipong malasing mo lang eh magkakatiyempo din ako. Pero hindi eh. Straight nga siya. Kaibigan lang tingin sa akin. Ansakit isipin.

May gusto siyang iba. Siyempre, babae.

Si babae gusto din naman yata siya. Kagagaling lang din sa iisang relasyon na di naman nagtagal.

Ganun din pala siya. Apat na taon kung di ako nagkakamali at magkalive-in na yata sila nung naghiwalay na.

Parehong sugatan mula sa nakaraan.

Nagkatagpo.

Ayun. Ako ang naputukan.

Hindi ko alam kung anong gagawin kong reaksyon ngayon. Ayoko namang maweirduhan sila at magmukha akong tanga.

Nakakainis. Kung kelan kong narealize na may silbi pala tong puso ko saka ako inagawan ng isang iglap na lang.

Iniisip ko ngayon kung babalik ako sa dati kong gawi. Ang magsabi ng totoo sa mga taong nagugustuhan ko.

Kaya ko pa ba ang consequences nito ngayong iba na ang mundong iniikutan ko. Mas seryoso at mas palaban ang mga tao. Talo ako. Pero susubukan ko.



Wednesday, June 10, 2009

inutil

Hangover ako.

Walang maalala.

Sabog.

Ganito na lang ba? Tanong nila.

HINDI. Sagot ko.

Maghintay ka lang.

Manggugulat na lang ako.

Relax lang.

Baka mastroke ka.

Wait and see?

Bahala ka.

Baka manigas ka?

Sana...


---------------------
Nagising ako ng medyo maaga sa nakasanayan ko nitong mga nakaraang araw.

"Huh? Nasan ako? Ah! Dito sa bahay. Pero bat ako nandito? Pano nangyari?" mga tanong at debate ng isip ko.

Nagising ako sa bahay, di nga lang sa sarili kong kama kundi sa sofa. Agad kong hinanap ang aking wallet at cellphone, mga bagay na una kong tsinetsek paggising ko, di ko alam kung bakit.

Tumayo ako't tumingin sa may laptop. Nandun yung phone ko, nandun din yun wallet. Nakahinga ako. Balik sa pagkakahiga, sa sofa pa din.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi. Meron naman akong naaalala, yung mga tipong umpisa pa lang. Huling alaala ko umuwi si Omec. Yun na. Di ko na maisip kung pano ako umuwi. Kung pano ko naiwan ang phone at wallet ko sa laptop. Nagtry pa pala akong maginternet sa kalasingan ko. Hanep!

"Bat jan ka natulog?" tanong ni Lola.

"Wala lang. Di na ako nakaabot sa taas eh." patay-malisya kong sagot. Di ko alam irarason ko eh.

Bad trip to ha. Nakakafrustrate. Ayoko pa naman ng ganitong state, ang walang maalala. Baka kasi may ginawa akong kabalbalan tapos di ako aware, NAKAKAHIYA!

Nangyari na kasi nuon yun. Nung kinwento sa akin, nahiya ako sa sarili ko. Bastos.

Alak nga naman. Di naman masarap pero nakakaadik. Ayoko na. Wag na muna. Nakakapangit ng image, lalo na sa pamilya.

Inutil sa paningin.

Tameme lang.

Chill. RELAX.

Wait.

Wait in vain.

Better yet...die waiting.

Wednesday, June 3, 2009

Teh-gers versus Tigers

TIGER (noun) -
  1. Salitang pinauso ni Jerel, hango sa kanyang expression na "Easy Tiger."
  2. Tao. Pwedeng gamitin sa kaibigan, patay na bata, matanda, nanay mo kapag pinapagalitan ka, kapitbahay, Jopard, sa mga may saltik sa ulo basta tao at mukhang tao.
TEH-GERS (noun din)
  1. Salitang dinerive sa TIGER
  2. Gawa-gawa ni Paulito.
  3. Synonym ng Sessionistas.
  4. Si Jomec, Paulito, Chai at ako. Featuring Hapon at Jerick.
Bakit versus? Isa na naman ba itong division? Namumuong subclan? Away? O drama lang?

Well drama lang. Sa huling linggo ng bakasyon ng karamihan,lately nahihilig sa kami sa mga laro. Taboo, CS, DOTA at kung anu-ano pa. Sa totoo lang sa Taboo lang ako kasali. At di ko pa natalo ang team ni Paulo. Di ako papayag. Dapat kasi kateam ko si Pau kasi kami naman talaga ang TEH-GERS. Pero unfair na din siguro para sa iba kung magkakasama pa kami sa iisang team. (BABAWI ako't dudurugin kita PAULITO).

Sa CounterStrike at DOTA, ganon din yata. VERSUS pa din ang labanan. Hinahayaan ko na lang sila kasi di ko naman talaga hilig ang RPG. Not my cup of tea! Girl ako bakit??

Naisip ko, madaming bagay ang di ako makarelate sa mga straight guys pero mas comportable naman ako silang kasama.

Isa akong homo pero homophobic din ako sa totoo lang. Bakit kaya ganon? Di ko maexplain.

Ang maganda sa mga lalaking ito eh binibigyan pa din nila ako ng chance na makarelate ako sa kanila. Lalo na si Paulito. Niyayaya ako kahit alam na tatanggi ako't di talaga ako comportable kapag nasa labas ako ng aking comfort zone. Ayokong magmukhang tanga sa isang bagay na ayaw ko naman talaga at wala akong hilig. Alam niya na yun sigurado ako.

Bukod nga sa Online games narito pa ang mga dapat kong idagdag sa aking makitid na knowledge pagdating sa mundo ng Straight Men/boys.
  1. Team standing ng current NBA season/playoffs (malay ko sa term). Mga Teams na nangunguna, mga players na maeksena.
  2. BASKETBALL. Obviously I don't play. Pero nanunuod ako pag naglalaro sila at ako ang CHEERLEADER kasama si CHAI (dati).
  3. Parts ng motor at pagpapatakbo (ako lang ang di marunong magdrive).
  4. Usapang Naruto at iba pang anime. (madalang lang to, kaya no worries)
  5. Usapang sex (sa babae), pagjajakol (excuse me sa term, malaki ka na! Bwiset ka!)
  6. Paglalaro ng POKER at kung anu-anong card games. Marunong ako mag tong-its, pusoy,pusoy dos, lucky 9, monkey-monkey pero di ko talaga trip kapag araw-araw. Pero gusto ko din matuto ng POKER. Para makanta ko yung POKER FACE ng may meaning na talagang nafifeel ko.
Kapag ito na ang usapan, unti-unti akong nagfefade sa harapan at namumuti ang mata, nakakakita ng kung anu-ano sa paligid, nakakaisip ng bagong topic na pwedeng makarelate ako, nagyoyosi at lalayo, kakanta ng maisipan, magpapatimpla ng kape kay Jomec, bibili ng RC, magyayayang magfood trip at pag wala ng choice, magpapaalam at UUWI.

Di ko naman sila sinisisi. Lalaki sila. May hilig. Bakla ako. May iba ding hilig. Ang mahalaga kahit may pagkakaiba, nagakakaintindihan pa din naman. Galing di ba?

Yayain ko kaya silang mag gay bar/club? Hmmm...idea lang naman.Malay mo pumayag.

Thursday, May 28, 2009

Anim na Buwan Lang Yan

Tinitigan ko yung kotse habang papalayo. Hanggang sa lumiko't nawala sa paningin ko.

Sakay ng kotseng yun ang isa sa mga pinahahalagahan kong tao ngayon, si Chai. Malamang sa mga oras na ito ay nakalapag na siya sa pupuntahan niya, sa HongKong. Mamalagi siya dun ng anim na buwan. Napakaikling panahon kung iisipin.

Ngunit kagabi sa kanyang pagpapaalam, nahirapan akong itago ang lungkot na namumuo sa loob ko.

Sadyang mahirap ang magpaalam. Mahirap umalis at mahirap din ang maiwanan. Separation anxiety, yan daw ang tawag diyan ayon sa aking napag-aralan. Meron ako nito nung bata pa man ako. Natatandaan kong nung kinder ako hanggang Grade 1 ay kailangan nasa labas lang ng classroom ang isa sa mga parents ko o kaya'y kasambahay. Ako din yung batang nagwawala at umiiyak sa unang araw ng pasukan. Di ko alam na disorder na pala un at isang klase ng psychological condition.

Ang hirap icompose ang sarili sa harap ng taong nagpapaalam lalo na't emotional na din siya pati mga kasama mo.

Nung unang beses kinaya ko pa. Iniwan kami ng kotse sa harap ng bahay nila Chai. Di ako naluha o nangilid man lang.

"Lika na! Kain tayo sa Ita's" si Pau nagyaya, plano na namin talagang magdinner dun. Pero sa tingin ko'y may iba siyang gustong mangyari.

Sakay kami ni Omec papuntang Ita's. Mukhang nagmamadali si Pau. Sabi ko na nga ba. Nakita namin ang puting taxing huminto sa gate ng Golden City. Bumaba si Chai para magpaalam sa nanay niya. Hinto naman kami sa gate at nag-abang din dun. Nakakatawa kasi para kaming mga fans na humahabol sa paborito naming artista.

Nagpaalamanan si Chai at ang kanyang ina. Lumapit sa amin pagkatapos.

"Bakit? Para 'tong mga sira." sabi ni Chai paglapit.

"Ka-...kakain lang kami"halatang pigil ang kung anumang emosyon sa pagsagot ko.

Biglang tumalikod si Chai pabalik sa taxi.

"Ay? Ganon na lang yun?" reklamo ni Pau.

Diretso lang si Chai sa loob ng taxi, paalam ulit si ina sa kanya.

Umandar na ang taxi at sa pagdaan sa amin tila slow motion siyang tumatakbo. Nakita ko si Chai, takip-takip ang mukha ng panyo at nakuha pang ikaway ang kanang kamay sa amin. Kaway din kami. Nangingilid na sa luha ang mga mata ko sa puntong yun. Nahiya ako. Nasa gate kami, madaming tao, anlalaki din naming tao ni Pau, si Omec tahimik lang, tila tulala.

"Shit! Shit!" si Pau.

"Let's go!"ako.

Sakay kami. Drive si Pau papuntang Ita's. Tahimik lahat. May mga luha pa din akong sinusupress. Ang hirap.

Dumating kami sa Ita's, order, kain, text, kain, tahimik. Halos walang nagsasalita. Tumayo na kami para umuwi. Minimal lang ang conversation, halos wala nga.

Nakarating sa Summerfield at tumambay kila Pau. Dumating din ang iba't nakitambay. Masaya naman kaso nga may tila kulang na.

Sa tingin ko matatagalan para masanay kaming ganito. Tutal magpapasukan na ang karamihan, magiging busy ng kanya-kanya. Sakto lang siguro.

Malungkot pero ganon talaga buhay. Minsan kailangan bumitaw ka ng panandalian. Wag lang sana magkalimutan.

Anim na buwan Chai. Sandali lang yun. Maghihintay ako. Maghihintay kami. Hanggang sa muli...

Tuesday, May 26, 2009

Ang PAGHUHUKOM

Masama ba akong tao? Masama ba akong kaibigan?

Siguro sa tingin ng iba. Pero di na mahalaga ang opinyon nila. Mahalaga lang sa akin yung taong nakakakilala na lubos sa akin. Kung hindi ikaw yun, pwes, tumabi-tabi ka. Dadaan ang reyna.

Madalas isinasaksak ko sa utak ko na wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Magkakaron lang ako ng pakialam kapag pinakialaman na ako. Aba'y sino ba naman ako para pakialaman pa? Nanahimik ako dito sa isang tabi. Nabubuhay sa paraang alam ko.

Overacting? Malamang. Ayoko ng pinagtitripan ako. Pikon akong tao.

Biruin mo nang lahat, wag lang ako ang gawin mong biro. Di ako nagtiyagang magcollege para lang gawing isang walang kwentang patawa.

Isa akong HUKOM dahil nag-iisip ako. Nakakaramdam at agad nag-rereact. Maaring madalas ay mali ang nagiging pasya at tingin ko sa bagay-bagay. Pero ganon naman di ba? Kanya-kanya lang talaga ng trip sa buhay? Bahala ka ng magtanggol sa mali kong iniisip. Patunayan mo at tatanggapin ko naman.

HUKOM ako hindi DIYOS. Marunong tumanggap ng pagkakamali. Marunong humingi ng paumanhin. Marunong magpatawad.

Mali na nga talaga siguro ako. Pero alam ko din may mali ang iba. May mali ka aminin mo man si hindi.

Napahiya ako't uminit ang ulo. Sa tingin mo makakapag-isip pa ako ng diretso?

Sa tingin ko hindi na.

Nilunod na ng init ng ulo't alak ang pag-iisip ko. Nalason na.

Hindi mo ako masisi kung nadamay ka, tumawa ka eh.

Sa puntong yun, kalaban na kita.

Sinabi ko nang WAG AKO. Pero di ka pa din nakinig. Yan tuloy.

Nangyari ang nangyari, wala na akong magagawa kundi humingi ng tawad sa mali ko, magpakumbaba at subukang ayusin ang gulong ginawa ng kung sino.

Wala eh, mataas pa ihi mo sa taong matangkad sayo.

Di kita susuyuin. Bahala ka sa buhay mo. Mabubuhay ako ng wala ka at wala ang atensiyon mo.

Sa tingin ko mainit pa din ang ulo ko sa puntong 'to.

Pasensya na, tao lang.

Pero may nakapagsabi sa akin na di maaring dahilan ang pagiging tao sa mga pagkakamaling nagawa mo.

Nagawa mo yun dahil pinili mo, pinili ko.

Maaring mali nga ang ikinilos ko, pero di mo ko masisisi. Kahit papano may pride pa din naman ako, anlaki nga eh.

Kaya ganon na lang muna, isa ka lang kaluluwa ngayon sa paningin ko.

Isang multo ng kahapon.

Hiling ko lang wag mo akong takutin.

Takot ako sa multo.

Maayos pa ba 'to?

Siguro. Panahon na lang ang makakapagsabi, kung alam niya ang sasabihin niya pag dumating ang oras na yun.

Di ako aasa. Alam kong walang dapat asahan.

Andami kong kaibigan. Mga taong higit pa sa kung ano ka. Kontento na ako dun.

Buhay nga naman.

Tao nga naman.

Buntong hininga na lang. Wala na akong magagawa.

Walang kwenta ang post na to. Kaya wag mo nang basahin pa. Di ko alam kung bakit ko pa sinulat 'to at ipinublish pa.

***Kadadaan lang ni Hapon at nagrereklamong sumakit daw ang likod niya sa girlfriend niya kagabi. Di daw sa kiss and tell siya pero pinagod lang daw talaga siya. Napangiti ako. Siraulo talaga si Hapon. Hapon nga talaga si Hapon. Alam mo na ang ibig kong sabihin don.